Friday, November 11, 2016

Mga Uri ng Guro










*Mr./Mrs.Enie-mini-minie-mo!


     Siguro lahat naman tayo naka encounter na ng teacher na Hindi masyado nagtuturo,
 o nagtuturo naman pero Hindi hung tipong makikinig ka talaga kasi parang 
pumapasok lang siya para sumahod .At ito yung tipo na paupo-upo lang, hayahay 
kumbaga. Tapos pay gawaan na ng grades, ayan na, hula-hula nalang. 
Hula dito hula doon, 80 dito, 70 soon. Diba ang husay ?hahaha
Alam Kong nakarelate kayo kasi, di talaga maiiwasang di ka talagatalaga may
kakaroon ng ganitong teacher. 




*Part time teacher,Full time clown
      Joke dito joke doon! Ganoon na lamang sila kakomedyante, kaya buong klase di na makahinnga kakatawa. Active lagi ang talakayan pag sila ang guro. Mababet naman sila kaso pag nagalet, yare ka! Makakkita ka ng killer clown. Minsan pag nagseryoso sila doon mo talga makikita ang galing nila sa pagtuturo. Madami ka talgang matutunan sa kanila. Comedy bar nga lang ang labas ng room nyo pagkatapos.


*The Lu-Li
    Lulubog-lilitaw .Ito yung mga klase ng teacher na di mo mararamdaman 
yung presensiya kasi lagi siyang wala sa classroom. Bakasyon engrande sya June pa lang.Laging may ganap sa buhay, laging may lakad, may appointment, meron ding may sakit kaya lulubog-lilitaw. Tipong hindi nga kayo kilala kasi minsan lang siya pumasok. Hahaha may ganto akong teacher dati eh, tas may punto pa na pagpasok nia, Hey! Wazzup!Musta? May quiz tayo mga beybi. Husay diba? 

*The Cyborg
      Ito naman yung tipong sobrang effort. Ito yung mahihiya yung jowa mo dahil mas ma e effort pa yung teacher mo sa kanya hahaha. Ito yung klase na laging pak na pak ang visual with boarders pa! Tas pag na powerpoint daming ganap. Ito yung tipong mas maganda pa yung visual niya sa pag tuturo niya. Kadalasan sa ganitong teacher ay mga babae, dahil babae na ang nag e effort ngayon, charr .dahil mostly ay ito yung mga teacher na kikay. Panay din ang pagpapanood nito ng mga video na may kaugnayan sa lesson Kakambal na nila yung projector at laptop na lagi nilang dala. Minsan TV pa nga eh. Gamit na gamit talga nila ang technology. May online assignments pa!!!

*Monghe
                 Ito naman yung tipo ng teacher na mala dalagang Filipina. O kaya monghe na never magagalet kahit anong mali mo at ingay mo pa. Sobrang soft ng personality, Medyo slow nga lang sa mga joke ng klase pero mabait. Ito yung halos di makabasag pinggan aa kahinhinan. Tahimik at simple sa pananamit. Ito rin yung mabaet at makakausap mo. Di naman magaling magturo di rin ganun kahaba magturo, tama lang. Halos mga gantong teacher ay mga dalaga at gay teachers. 

*The High blood 
        Uri ito ng teacher na laging high blood. High blood ito sa mga estudyanteng laging pinapataas ang kanyang dugo. gaya ng mga estudyanteng laging nag cucutting classes, late, at lalong lalo na sa mga hindi nag papasa ng mga gawain. Lagi itong high blood pagpasok pa lamang ng school beastmode na yung mukha. Once in a blue moon mo makikitang tumawa/Ngumiti,kala mo nasa menopausal stage palagi.Pero ito yung madamot sa grades.
Ito yung tipo ng teacher na alam mong next subject pa siya ay kabadoneBeastk. 
Siguro dahil sa sobrang sungit nito,matapang ,at madalas feeling mo kakainin ka.
Magaling naman sila magturo kaso ang hilig mantawag ,wala sa timing ,
kabado ka tas bigla kang tatawagin hahaha. Kadalasan ang mga gantong teacher 
ay matanda na o matandang dalaga, pwedeng pinagsakluban lang sila ng langit at lupa,
 o sadyang galit lang sa mundo.


* The storyteller

              Ito naman yung ma kwento, yung nag di discuss siya tapos
 pag biglang may experience siya na connected ay magku kwento na 
siya tas mapupunta pa sa ibang kwento hanggang nasa EDSA na yung kwento niya sa sobrang layo na,Wala na sa topic Hahaha. Sa lahat ng guro ito ang pinakagusto ng mga estudyante dahil ito yung guro na di na halos, nag lesson nag kwento nalang siya ng buhay niya na halos umubos nang buong time kaya party party ang mga estudyante
 pag nagkaganito na si Maam/Sir.
*All-in-one 
            Ito naman yung teacher na wala kang maisusumbat, Ikaw na yung mahihiya.Kasi ito yung teacher na magaling magturo, hindi pa upo-upo, medyo sstrict pero makakajoketime mo naman. Magaling din mag paliwanag, puro man activities ay okay lang. Di puro assignment. At nagbibigay ng pointers .kalog at tiyak na malalapitan . At tiyak na tatatak talaga sa utak mo ang mga tinuro niya. 



Lahat naman tayo siguro ay naka encounter na ng mga gantong guro,
 o makakaencounter palang. Ganito man sila ay Dapat parin natin isipin
 na sila ang mga guro naten, Dapat na sila'y nirerespeto ,ginagalang dahil
 sa eskwelahan ay, sila ang nagiging instrumento natin sa pag katuto .
At pati di lang mga lesson ang matutunan natin sa kanila kundi pati mga leksyon
 sa buhay na tiyak na tatatak saatin habang buhay.

No comments:

Post a Comment